Friday, October 27, 2006

Kape

Mainit! Kulay tsokolate pero lasang strawberry na isinawsaw sa coke. Sa halagang 6 na pisong barya, makakatikim ka neto. Sa pantry, sa rest area, sa kusina ni chef, parte na ata ito ng ritual ng nakararami.
Sa sobrang pagkahilig ko dito, dami ko ng natikman na uri ng kape. Meron ung nagmumula sa saudi na laging pasalubong sa amin 'pag umuuwi ang tatay ko. Taster's choice ang tatak, kung minsan ay Sanka (san ka pa! hehe).
Sa probinsya namin sa Burgos, Cuyapo nalaman ko na masarap isawsaw ang pandesal na sinlaki ng pinagsamang dalawang mouse sa kapeng tinimpla sa baso na asukal lang at walang gatas o creamer. Itong baso ay dating garapon ng kape at napahaba pa ang buhay dahil ginawang baso.
Kapeng barako ng batangas. Natikman ko ang kapeng ito nung nagsimula na ako magtrabaho dito sa Laguna. At hindi ko rin makakalimutan ang unang karanasan ko nito na may buong pagmamalaking paghigop. Sa sobrang kasarapan nito eh di ko na inalinta na may epekto pala ito sa tyan sa mga 'di sanay uminom. Nasa opis ako sa engineering ng makaramdam ako ng kakaiba, na tila tinatawag ako ni Cory Aquino upang palitan muna sya sa kanyang trono.
Naging uso rin ang kape na pinatigas at ginawang kendi, gaya ng kopiko. Magaling na pantanggal antok para sa mga walang oras magtimpla ng kape at lalo na sa mga mahilig magpuyat dahil sa sobrang pagkahilig kay Bakekang, Captain Barbell at Atlantika (sensya na wala kasi kaming keybol at yung antenna nami'y nakasabit lang sa konkretong bakod ng kapitbahay)
Gayunpaman, ang kape ay 'di nagrereklamo. Pag-sapit ng breaktime, anjan lang sya naghihintay na makapiling ang iyong mga labi. 'Pag naiinis ka sa boss mo at kailangan mo ng pantanggal ng sakit ng ulo, humuhupa ang iyong pagkainis kapag nadampian na ng mainit na kape ang sabik na taste buds ng iyong dila. Kaakibat din sa tuwing nakikipagkwentuhan ka sa barkada sa rest area. Kadalasan ay kulang ang sampung minutong balitaktakan na kung saan lahat na ata ng pwedeng pagusapan ay ginawa nyo na. Tulad ng sinong nanalo sa basketball kagabi kasi pumusta ka ng 1000 o 'di kaya ung crush mo na sampung taon mo ng nililigawan hanggang ngayon MU pa rin kayo. Hihilingin mo na sana ay 'di matapos ang breaktime dahil hindi pa nauubos ang kape kahit malamig na ito.
Teka hanap muna ako ng barya, malapit na kasi ulit mag-chime.

Thursday, October 26, 2006

Overheard...

Minsan sa isang technopark sa Laguna.

(0.0) : Oh, hello der…
{-,-} : Hi, hu r u?

(0.0) : I am Ai, n u r ?…
{-,-} : I am Cap.

(0.0) : Hi Cap! I am Ai…
{-,-} : Ai, r u high?

(0.0) : M not high, Cap! I am Ai.
{-,-} : I am high, Ai.

(0.0) : So u r high, Cap?
{-,-} : High Cap(?), yes I am high…

(0.0) : r u a cop?
{-,-} : am not a cop, r u?

(0.0) : I am Ai, n u r…
{-,-} : I am Cap.

(0.0) : Oh, Hi Cap!
{-,-} : Hi, hu r u?



kaya pala hirap magkaintindihan ang IMI at HICAP... tsk! tsk!

Wednesday, October 25, 2006

Hu u?

Kaninang umaga nagsimula na kong magpabunot ng codename para sa kris kringle. Akala tuloy ng iba this Friday na ang bigayan ng gift. Hai... sabi ko next Friday (11/03) pa. Kahit nga manager ko nagulat, sabi nya "Akala ko ba sa Friday pa bunutan? Hmm... Ah excited." Eh bakit ba? Atat ako eh! Ako kasi promotor. Bukod dun sa mismong kris kringle, may pakulo pa ko. Ang makahula ng codename nya, may prize. Hehe... Ako lang kasi nakakaalam ng kanya-kanyang codename. Yung nabunot naman nila, yun ang reregaluhan nila. O di ba? Actually, nagpapahanap na nga ako kay ea ng semi-chipipay na token. Kung ano man yung isuggest ni ea, pagpasensyahan nyo na lang at wala namang fund yun. Di ba nga wala kaming budget. Kuhlet!

O sya sya! Txt txt n ln... w8 hu u??

GEORGE CLOONEY
PARIS HILTON
KEANU REEVES
REESE WITHERSPOON
BEN AFFLECK
WILL SMITH
PENELOPE CRUZ
LUCY LIU
AL PACINO
DEMI MOORE
TOM CRUISE
SALMA HAYEK
CHRIS ROCK
KATE BECKINSALE
CAMERON DIAZ
NICOLE KIDMAN
JENNIFER GARNER
ANGELINA JOLIE
RENEE ZELLWEGER
JULIANNE MOORE
JESSICA SIMPSON
GWYNETH PALTROW
MEG RYAN
JULIA ROBERTS
COLIN FARREL
KATIE HOLMES
MARISA TOMEI
ROBIN WILLIAMS
NICOLAS CAGE

Dapat bang may IQ sa IQA?

Ngayon sana ang IQA sa department namin, kaya lang dahil holiday kahapon, nalipat sya para bukas…

Absent ang boss ko ngayon, akala nya kasi ngayon ang IQA, ligtas sana sya, hehehe. Pero di nya alam na na-moved yung original schedule. Pagpasok nya bukas, panigurado magtataka yon.

“Duh!”

Testing

Kakatingin ko lang sa outlook, wala na naman message sa inbox. ang lungkot. hinihintay ko kasi ung sagot ng kabilang grupo tungkol sa hiling ko na kunin ang blower ng isa nilang tester. Maya maya darating din yun. Testingin ko muna itong blog kung gagana.