Friday, August 17, 2007

letter to the editor-in-chief

Today, August 17, 2007, Engr. bin t. lador will be leaving the solace of what he considered to be his second home for 7 years.

Just days after submitting his resignation, he told me about it. And oh boy, it dropped like bomb. I, too, have plans of leaving. Gara, Jrvilis, Gee… Leaving friends did affect my intuitive choice. But what gave the heaviest weight was the ‘confrontation’. After the hell week, I slipped on my bathroom, causing me contusions on my upper lip and bruises all over. 1 week rest. Thanks to my stupidity, I was able to have time to lament for exiting friends and reflect on my desolation. When I reported back to the office, I practice changing my ways just to not feel the loss. One of it was coming to the subcon early and going back to hicap late. Now as
bin t. lador’s blog post slowly sink in to my system, I realize I missed the chance of hearing bin t. lador’s funny antics one last round.

So what are the things you know (or probably don’t know) about bin t. lador? Check this out.


~ he’s makwento! He always tell stories on how much he loves his only girlfriend—now wife, Thess, and how he adores his kids Sam (his look-alike) and Nicole (his knack-alike).
~ C2 runs on his veins and is in his blood.
~ has the passion for Christ. A humble devotee of Black Nazarene, Quiapo.
~ fanatic ng IQ and trivia quizzes.
~ MENSA member. Astig. I will miss ‘I am not weird. I am gifted.’
~ bukod sa malaking puso, may isa pang ‘p’ ang malaki sa kanya. Lagi ngang tinutukso ni Gara eh. May dobol u sa tagalog or double t in english. Its for me to tell, and for you to find out. Hehehe… peace!
~ meron syang imaginary friend. Ask him about Ikabod.
~ his favorite haircut—skinhead.
~ laughing bin t. lador: covers his mouth and laughs like a kid letting go of his infamous hihihi…
~ 2nd place in Haiku-making contest by Japanese Embassy to the Philippines. Goodluck sa awarding!
~ sosyalin. At wala yun sa kulay-kulay. “So what if I’m talking in English…hmpf!” bwehehehe...


Sir, kung meron kang farewell letter, meron ding akong send-off letter.

Natatandaan ko pa yung unang beses kang nagintroduce. Nagconduct ka ng department orientation nun. Kagalang-galang. Lalo na nung sinabi mo sa akin kung gano ka na katagal sa kumpanya. Pero mas naging at home ako sa department nung nalaman kong Mapuan ka. Feeling ko close na tayo agad. Hehe.. Di ko malilimutan yung time nasa kanan kita at nasa kaliwa ko naman si Jrvilis. Solid 3RB Trio. Pinadali nyo ang buhay ko nung cadet at petix pa lang ako. Salamat sa mga kwentuhan, kalokohan at katatawanan. Nagkaroon man ng maraming relayout, di kayo nalayo sa paningin ko. Siksik, liglig at umaapaw ang bawat umagang kasama ko kayo.

Ano pa bang mamimiss ko? Yung mga anything-under-the-sun chikahan natin habang break, lunch at kahit yung waiting time pagnagpapadiesel si rabbit. Pati yung chismisan natin dati. Tuwing umaga daldalan tayo nang daldalan. Di ba nga ako si Kris at ikaw si Tito Boy (at si Gara si Cristy Fermin har har!)

Mamimiss ko din yung mga ST natin na may halong pasimpleng pagbungisngis habang may pinagtitripan at inookray na out-of-this-world creatures. Ang pakikinig mo sa frustrations ko, pagintindi sa pananahimik ko, ang pagbatikos sa pagmamaliit sa ‘kin ng iba. Naks, parang totoo. Hmm… yung artestic side mo na lumalabas sa poems, slogan at bulletin board-making tuwing EMS week. Mababawasan na kami ng ka-brainstorming. Pano na? Wala na kami ichi-cheer. Sayang, tag-bagyo na, malapit na ulit magsportsfest. Ang mga ideas mo para sa TEA, hindi na namin makukuha. “We bring life to your drive.” At ang mga Gawad Laruan tuwing Christmas Party. Naku! May Christmas Party pa kaya? Sus! Ayoko nang magorganize! At ang mga jokes mong corny man, eh PATOK PANALO KA dahil sa Delivery:100%


Serious na... I’m happy for you, for this day will set your freedom from all career and fiscal worries (which is what we’re all suffering). I believe na malakas ka talaga sa Kanya. And of course, it is what you deserve. Bilib ako sa ‘yo. Idol nga kita eh! I just can’t help but feel sad that every time I come to my table at the start of the day, there will be no Edong to greet me with a smile. Actually, Alex and I are celebrating our 4th year anniv today. Di bale mamaya, as tribute, para sa ‘yo yung unang shot!

Hai naku sir. Nakakalungkot talaga. Ingat ka dun ha. Sana wag mo kami makalimutan, lalo na ko. :'(
I don’t want to be melodramatic but its really impossible not to shed a tear for a great friend.
SENSAI, YOU WILL BE MISSED!
JA MATA NE!



Kaya ikaw mamang gitarista sa kanto, wag ka munang tumawid ng expressway.
Let me go ahead of you coz it’s sad to be left behind (at ayoko matalo sa pustahan! Hehehe!).
Don’t worry. Soon, we’ll be both outta here.

Friday, January 12, 2007

T.G.I.F.

Ting dong ting ding...
tong ding ting dong (chime ito na lumalabas sa kisame)
Biyernes! Ang pinaka-paboritong araw ng lahat.
Bakit?
Aba, ito na siguro ang tanong na maraming pwedeng sumagot.
Gaya ng mga sumusunod:
"uy biyernes na! bakasyon na naman. woohooo"
"tsong, its friday today. shot na tayo, inuman na!"
"may magallanes shuttle ba ngayon? uwi ako ng baguio, a-attend ako ng kasal"
"tara sa festi, LFS tayo"
"may date kami ni boy mamaya. yeehiii -girl"
at nakasisiguro akong marami pang iba dahilan na sasagot sa katanungan bakit paborito ang byernes!
Tuwing biyernes ay makakapagsuot ng mga casual na damit. May Friday the 13th at mamalasin ka raw sa araw na un. Good Friday ang bansag sa pagalaala sa araw ng pagpako kay Hesus nung inako nya ang mga kasalanan ng sangkatauhan. May TGIF(-riday) show dati sa tv, na ngayon ay mga matatanda at laus na ang mga artista nito tulad ni angelu, bobby, red, onemig, iba pa.
Pero ano nga kaya ang esensya bakit nagiiba ang mood ng tao pag-sapit ng huling araw ng linggo? Sa pag-oobserba ko sa mga paligid ko, mas nagiging masayahin ang aura ng nakakarami sa ganitong araw kung ikukumpara tuwing lunes. 'Pag lunes kasi, meron dyan ung inaantok, o kaya nakabungisngis ung mukha nila habang nakatutok sa monitor ng kompyuter tipong nagiisip ng malalim. Meron din ung iba, nakasimangot pa na kung guguhitan mo sila ng ulap sa ulo, ung parang sa mga komiks, at lalagyan ng mga letra, siguro ang mababasa mo duon, hay bakit pa ba ako pumasok? waaaaa sana nag-ps3 na lang ako! huhuhuhu.
Mas malala ung iba na sa tuwing lunes ay pakiramdam ata nila ay linggo pa lang. Kaya nakasanayan ng pumapasok na lang ng martes at kadalasan ay male-late pa.
Pagpalo ng orasan sa alas tres ng hapon, unti unti nabubuhay ang mga natutulog na dugo. Syempre magkakape muna yan. Pawang ang lahat ay hindi na makatiis at naiinip na sa kaka-antay tumugtog ng kampana o chime. Marahan lalakas ang tinig at bulung-bulungan ng mga tao. Yung mga nasa loob, magreready ng lumabas. Doon sa lugar na inilarawan ng isa kong kaibigan na isa ring blogista tungkol sa isang football field na may 300 lamesa at upuang pang-opisina, samahan mo ng kabinet at may pader, aircon, ilaw, bintana, desktop computers at kable, makakaramdam ka na parang may bulkan na nagiinit at malapit ng sumabog at magkalat ng lahar. Pero dahil nasa opisina ito, walang bulkan kundi mga tao lang na parang wala ng bukas kung magkwentuhan, atat ng pumunta sa locker at magunahan sa pila paglabas. Mga yabag ng paa na kahalintulad ng sa stampede sa Ultra ang maririnig mo sa sahig na parang katapusan na ng mundo kaya magu-unahan na sa swipe in/out upang makaalis ng maaga kasi trapik na naman sa edsa.