Friday, October 27, 2006

Kape

Mainit! Kulay tsokolate pero lasang strawberry na isinawsaw sa coke. Sa halagang 6 na pisong barya, makakatikim ka neto. Sa pantry, sa rest area, sa kusina ni chef, parte na ata ito ng ritual ng nakararami.
Sa sobrang pagkahilig ko dito, dami ko ng natikman na uri ng kape. Meron ung nagmumula sa saudi na laging pasalubong sa amin 'pag umuuwi ang tatay ko. Taster's choice ang tatak, kung minsan ay Sanka (san ka pa! hehe).
Sa probinsya namin sa Burgos, Cuyapo nalaman ko na masarap isawsaw ang pandesal na sinlaki ng pinagsamang dalawang mouse sa kapeng tinimpla sa baso na asukal lang at walang gatas o creamer. Itong baso ay dating garapon ng kape at napahaba pa ang buhay dahil ginawang baso.
Kapeng barako ng batangas. Natikman ko ang kapeng ito nung nagsimula na ako magtrabaho dito sa Laguna. At hindi ko rin makakalimutan ang unang karanasan ko nito na may buong pagmamalaking paghigop. Sa sobrang kasarapan nito eh di ko na inalinta na may epekto pala ito sa tyan sa mga 'di sanay uminom. Nasa opis ako sa engineering ng makaramdam ako ng kakaiba, na tila tinatawag ako ni Cory Aquino upang palitan muna sya sa kanyang trono.
Naging uso rin ang kape na pinatigas at ginawang kendi, gaya ng kopiko. Magaling na pantanggal antok para sa mga walang oras magtimpla ng kape at lalo na sa mga mahilig magpuyat dahil sa sobrang pagkahilig kay Bakekang, Captain Barbell at Atlantika (sensya na wala kasi kaming keybol at yung antenna nami'y nakasabit lang sa konkretong bakod ng kapitbahay)
Gayunpaman, ang kape ay 'di nagrereklamo. Pag-sapit ng breaktime, anjan lang sya naghihintay na makapiling ang iyong mga labi. 'Pag naiinis ka sa boss mo at kailangan mo ng pantanggal ng sakit ng ulo, humuhupa ang iyong pagkainis kapag nadampian na ng mainit na kape ang sabik na taste buds ng iyong dila. Kaakibat din sa tuwing nakikipagkwentuhan ka sa barkada sa rest area. Kadalasan ay kulang ang sampung minutong balitaktakan na kung saan lahat na ata ng pwedeng pagusapan ay ginawa nyo na. Tulad ng sinong nanalo sa basketball kagabi kasi pumusta ka ng 1000 o 'di kaya ung crush mo na sampung taon mo ng nililigawan hanggang ngayon MU pa rin kayo. Hihilingin mo na sana ay 'di matapos ang breaktime dahil hindi pa nauubos ang kape kahit malamig na ito.
Teka hanap muna ako ng barya, malapit na kasi ulit mag-chime.

4 comments:

Grace Silang-Ferrer said...

Okay. After reading your article, I asked you if you have already tried the coffee from poop. But instead of answering, you show a flat face of disgust! How dare you. Hmpf! Totoo po noh! Here check this out...

www.truthorfiction.com/rumors/k/kopiluwak.htm &
www.lifeaftercoffee.com/2005/09/16/the-straight-poop-on-kopi-luwak-coffee

(...and wait 'til you get to taste the brew I'm talkin' about)

gitarista sa kanto said...

isa lang masasabi ko... UGH! :o

Grace Silang-Ferrer said...

ah ewan... saka bakit ba?? sosi ako eh ~burp~ sosi ako!! wehehehe...

donut.bai said...

eew!
san ung manila coffee house? hehe