Wednesday, November 22, 2006

is it goodbye or just see u around?

may 29, 2001...eto yung araw na unang sumabak ako sa mundo ng planning sa hdd ppic. madami ako natutunan. una na yung paggawa ng production plan. kumpara nung unang dating ko dito, malayo na ang narating ko sa larangan ng pagpaplano.
naging malaking tulong din sa kin ang paggamit ng computer. dito ako naging bihasa sa paggammit ng MS Excel na araw-araw ay katulong ko sa trabaho. pati MS Outlook at Lotus Notes kung saan nakakatanggap ako ng mga e-mail mula sa production group, design, qa, at kung saan-saan pa. ngunit, hindi lang puro trabaho ang ginagawa ko dito. maging sa kalokohan ay napapakinabangan ko din ang computer. sa pagsisend ng mga forwarded emails, pakikipagchat sa ST at YM, pati pgsusurf/download sa internet.
isa ko pang natutunan ay pakikisalamuha sa ibang tao. may kaibahan pala ang pakikitungo sa katrabaho at kaibigan/kakilala. pag sa trabaho kasi, kahit nasaktan ka sasabihan ka lang "walang personalan, trabaho lang", dapat tanggapin mo na yun. may mga tao akong nasaktan at meron ding nagpasama ng loob ko. pero nang dahil din dun natutunan namin ang mali ng bawat isa at yun pa ang naging daan para maging maganda ang pagsasamahan namin sa trabaho man o sa gimikan.
subalit, dumarating yata talaga sa bawat isa sa atin na kailangan natin ng pagbabago para sa kabutihan ng lahat. simula ngayong araw pagsapit ng ikalima ng hapon, ililipat na ko sa ibang departamento (head-ppic). masaya ako na ililipat ako dahil alam kong ito ang magiging daan ng panibagong hamon sa career ko. pero nakakalungkot pala isipin yung mga taong maiiwan ko dito. sila na naging kapalitan ko ng kwentuhan, kulitan, tampuhan, at kalokohan. kahit pa nga sabihing makikita ko naman sila sa loob ng hicap, iba pa rin yung kakulitan ko sila sa araw-araw. nang dahil sa kanila nairaraos ko ang pagkabugnot ko sa trabaho.
sa lahat ng napagdaanan ko dito sa hdd ppic, maganda man o hindi, malaki pa rin ang pasasalamat ko sa hicap. hindi ako magiging "pizza" kundi dahil sa hicap. dito ako nagkamali at natutong bumangon, dito rin ako nagkaroon ng maraming kaibigan at "ka-ibigan"(hehehe)...at higit sa lahat, dito ako natuto mag-BLOG.


1 comment:

gitarista sa kanto said...

naalala ko tuloi ung pelikula ni rambo na First Blood. hehe