Friday, January 12, 2007

T.G.I.F.

Ting dong ting ding...
tong ding ting dong (chime ito na lumalabas sa kisame)
Biyernes! Ang pinaka-paboritong araw ng lahat.
Bakit?
Aba, ito na siguro ang tanong na maraming pwedeng sumagot.
Gaya ng mga sumusunod:
"uy biyernes na! bakasyon na naman. woohooo"
"tsong, its friday today. shot na tayo, inuman na!"
"may magallanes shuttle ba ngayon? uwi ako ng baguio, a-attend ako ng kasal"
"tara sa festi, LFS tayo"
"may date kami ni boy mamaya. yeehiii -girl"
at nakasisiguro akong marami pang iba dahilan na sasagot sa katanungan bakit paborito ang byernes!
Tuwing biyernes ay makakapagsuot ng mga casual na damit. May Friday the 13th at mamalasin ka raw sa araw na un. Good Friday ang bansag sa pagalaala sa araw ng pagpako kay Hesus nung inako nya ang mga kasalanan ng sangkatauhan. May TGIF(-riday) show dati sa tv, na ngayon ay mga matatanda at laus na ang mga artista nito tulad ni angelu, bobby, red, onemig, iba pa.
Pero ano nga kaya ang esensya bakit nagiiba ang mood ng tao pag-sapit ng huling araw ng linggo? Sa pag-oobserba ko sa mga paligid ko, mas nagiging masayahin ang aura ng nakakarami sa ganitong araw kung ikukumpara tuwing lunes. 'Pag lunes kasi, meron dyan ung inaantok, o kaya nakabungisngis ung mukha nila habang nakatutok sa monitor ng kompyuter tipong nagiisip ng malalim. Meron din ung iba, nakasimangot pa na kung guguhitan mo sila ng ulap sa ulo, ung parang sa mga komiks, at lalagyan ng mga letra, siguro ang mababasa mo duon, hay bakit pa ba ako pumasok? waaaaa sana nag-ps3 na lang ako! huhuhuhu.
Mas malala ung iba na sa tuwing lunes ay pakiramdam ata nila ay linggo pa lang. Kaya nakasanayan ng pumapasok na lang ng martes at kadalasan ay male-late pa.
Pagpalo ng orasan sa alas tres ng hapon, unti unti nabubuhay ang mga natutulog na dugo. Syempre magkakape muna yan. Pawang ang lahat ay hindi na makatiis at naiinip na sa kaka-antay tumugtog ng kampana o chime. Marahan lalakas ang tinig at bulung-bulungan ng mga tao. Yung mga nasa loob, magreready ng lumabas. Doon sa lugar na inilarawan ng isa kong kaibigan na isa ring blogista tungkol sa isang football field na may 300 lamesa at upuang pang-opisina, samahan mo ng kabinet at may pader, aircon, ilaw, bintana, desktop computers at kable, makakaramdam ka na parang may bulkan na nagiinit at malapit ng sumabog at magkalat ng lahar. Pero dahil nasa opisina ito, walang bulkan kundi mga tao lang na parang wala ng bukas kung magkwentuhan, atat ng pumunta sa locker at magunahan sa pila paglabas. Mga yabag ng paa na kahalintulad ng sa stampede sa Ultra ang maririnig mo sa sahig na parang katapusan na ng mundo kaya magu-unahan na sa swipe in/out upang makaalis ng maaga kasi trapik na naman sa edsa.

3 comments:

Grace Silang-Ferrer said...

oo nga noh... eh bakit kaya kahit papasok ng saturday, excited pa rin ng friday?? weheheh... ako pala yun. siguro dahil 5pm ang uwian at hindi 6pm. laking bagay nagagawa ng isang oras. sige balik na ko hicap.excited na ko mag5! hehehe...

bin t. lador said...

haha... oo nga noh! kapag friday iba ang energy level ng mga tao na parang full load battery level ng mga celphone.

kaya pala patok sa akin ang kanta ng 'the cure' na 'it's friday im in love' at di ako nakyutan sa kanta ni rj na 'miss kita pag tuesday'... hehe

bin t. lador said...
This comment has been removed by the author.